Mayroon ba talagang leadership vacuum sa Pilipinas? I am inclined to believe na mayroon. Ano kaya ang sanhi nito? Kung aanalyze-in natin ang ating history as a people, malamang na magkasundo tayo sa isang rational explanation.

Pre-Spanish times. Ang ating bansa ay kinabibilangan ng iba’t ibang tribo na may kanya-kanyang cultura (wika, batas, customs, traditions, religions at iba pa). Sa simula’t simula pa man, ito ang kalagayan sa lahat ng dako sa mundo. Different people groups, different cultures. They traded goods with each other. But for the most part they tried to subdue each other.

Cain killed his brother Abel out of jealousy. Ismael bullied Isaac. Esau hated Jacob. It’s the same old story, ika nga. Mapapansin natin hanggang ngayon ang pagseselosan sa ating bansa, regionally speaking. Kanya-kanya tayo ng langoy. Bahala ka sa buhay mo. Kaya ang leadership ay limitado sa kanya-kanyang tribo.

Spanish times. Ang pagdating ni Ferninand Magellan noong 1521 ang simula ng period of Spanish colonization. In 1543, binansagan ni Ruy Lopez de Villalobos ang grupo ng mga isla na tinitirhan ng mga tribong kanilang dinatnan na Las Islas Filipinas in honor of the king of Spain. Pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi in 1565, binuo niya ang iba’t ibang tribong ito sa ilalim ng kapangyarihan ng Spain at pinangalan niya itong Islas Filipinas. Tumagal ng over 300 years ang Spanish colonization sa Pilipinas.

Pansinin natin na ang pagkabuo ng Pilipinas ay sa ilalim ng foreign power lamang. Ibig sabihin, kapag walang foreign ruler, kanya-kanya na naman ang mga tribo-tribo. At sila-sila ang mag-aawayan. Kaya nga, napakaraming paghihimagsik ang naganap sa loob ng 300 years ng Spanish rule subalit hindi nagtagumpay alin man dito. Bakit? Kanya-kanyang revolt; walang pambansang kamao. Kaya laging talo.

Nagkaroon lamang ng pormang pagkakaisa ang revolution nang in-execute ng mga Kastila ang tatlong pari na kinilalang Gomburza. Ito ang nag-inspire ng isang propaganda movement na pinanindigan ng ilang mga Pilipino tulad nila Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Sila ang mga unang kinilalang national leaders. Ang kinahinatnan nito ay ang isang revolutionary secret society called Katipunan sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Subalit hindi nagtagal, lumitaw na naman ang ulo ng halimaw na si Kanya-Kanya Tayo. In-execute ni Aguinaldo si Bonifacio in the name of united front. Ang short-term result: The declaration of independence  on June 12, 1898. Long term: Talo na naman pag-landing ng mga Americano.

American Times. Pinagkaloob ng Spain ang Pilipinas sa America sa halagang US$20M. Madali nasugpo ang revolution laban America. Pinagtaksilan ng Pilipino ang kapwa Pilipino. Ang American colonization ay tumagal ng 50 years hanggang pagdating ng mga Hapon.

Japanese Times. Ang occupation ng mga Hapon ay tumagal ng limang taon. Same old story. Sabi nga ng mga Japanese soldiers, Pilipino tatago, Pilipino tuturo. Maraming mga Makapili noon. Talo na naman.

Subalit, hindi naman mapagkakaila na in spite of Filipinos finding themselves in impossible situations through the centuries, some distinguished themselves as potential national leaders dahil sa kanilang pagmamahal sa Inang Bayan, sa kanilang katapangan, kagitingan, at pag-aalay-buhay. Kaya nga lang, iilan-ilan lamang sila.

Republic Times. Sa kasalukuyan, Weather, Weather lang tayo. The political reality is characterized by the Kami Naman syndrome. Bagamat hindi na tayo under foreign power, under pa rin tayo ng isang mahiwagang power – – Money. Sabi nga ng isang dating Speaker of the House, Everybody is for sale in government. Or something like that. Ang resulta: Same same.

Ang mga mayayaman at makapangyarihan sa Pilipinas ay either Old Pesoses or Taipan Pesoses. Ibig sabihin, money traceable pa sa panahon ng mga Friars o shopping mall money. At sino ang nagpapayaman sa mga ito? OFW remittances at foreign loans.

Sabi ng gobyerno, 40% of our kababayans live under the poverty line. Sa palagay ko lang, hindi bababa sa 70% ng mga Pilipino ang kulang sa tamang pagkain, sapat na tirahan, at proper education.

Sa totoo lang, walang isang Pilipino ang makakapag-liberate sa ating bansa mula sa weather weather times or kami naman syndrome. Ang makapag-u-unite lamang sa atin ay isang Nazareno.

Sa pamamagitan ng pagpapasakop sa values system ni Cristo, magagapi natin ang Power na nagbibilanggo hindi lamang sa puso’t isipan ng ating mga kababayan kundi ng buong sanlibutan – The Power of Money.

Jesus said, You cannot serve two masters. You cannot serve both God and Money.

It is time to make a choice.

Think about it.