Say No To Premarital Sex

New Values Classes, General Santos City, Mindanao
Bawing National High School
Pastor Bernie Deloy conducted the overview of iWait Say No to Premarital Sex module to 190 Grade 10 students of Bawing National High School. Pastor Jing Espatero teaches these students once a week for the follow-up lessons.

bawing1

bawing2

28 partner pastors together with their volunteer teachers from the provinces of Oriental Mindoro, Cavite, Leyte, Laguna, Rizal, Bataan, and cities of General Santos, Mindanao and San Fernando, Pampanga are actively teaching 2,160 teens using this module.

Teenage Pregnancy in the Philippines

City of San Fernando, Pampanga

Teenage pregnancy is a huge problem in the Philippines. Lambat Ministries, Inc. is doing something about it.

A few months ago, Lorie Ann De Sena, program developer and coordinator, conducted an overview on Lambat’s new teaching module, “iWait! Say No To Premarital Sex” to 18 pastors and 5 volunteerteachers from San Fernando and Bataan.

Jeena Tolosa explained how they could execute the program to teach and help our teens and pre-teens to focus on staying pure for the Lord. This was overwhelmingly welcomed by the pastors knowing well that teenage pregnancy rates in our country has greatly increased in the past years and is still increasing todate. We thank the Lord for giving us the opportunity to serve Him by serving others for His glory.

Lambat’s Headstart Program

Lambat Headstart is a pre-school tutorial educational program for Filipino kids ages 4-5 years old. The children are taught Christian values and academic subjects such as Science, Numeracy and English all infused with values in preparation for their formal education.

Kids who enter the public school system without any background on letters, numbers and reading comprehension encounter difficulties in coping in school. As a result, going to school tends to be unappealing to them. Attending our Headstart program will give  them  the encouragement they need to find school enjoyable.

Recipients of this program are children who belong to a local church or who belong to poor families in the community. The parents for their part are required to attend a scheduled parenting seminar, monitor their children and help them with their take home assignment.

This tutorial program is being carried out by volunteer teachers who are taught and trained on how to teach the different subjects. They are observed and evaluated to help our administrator prepare for their quarterly continuing education. They undergo training and teaching demos. These volunteer teachers are recommended by their pastors.

One subject is taught everyday and sessions last for one and a half hours. A session is composed of: opening prayer, physical exercise, songs, motivation, lesson proper with infused values, breaktime, activities and closing prayer. Venues are identified by the partner church depending on the available place where classes can be held. Maximum number of children per session is ten for easy class management.

Program Administrator: Jeena Tolosa.

Teachers’ Training

Teacher Fe Merculita

Teacher Arlyn Buenviaje

Teacher Leila Morales

Teacher Luz Casauay

Teacher Marivic Dela Cruz

Teacher Resa Caampued

Laban Corruption!

Laban Corruption!

Values Education Tungo Sa National Transformation

Ang Pagiging Makadiyos, Makatao, Makabayan at Makakalikasan

 

Panimula

Noong April 3, 1996, si President Fidel Ramos ay nag-issue ng Executive Order No. 319  institutionalizing the Moral Recovery Program (MRP) under Proclamation No. 62 which declared the program in response to the need to strengthen the moral resources of the Filipino people rooted in Filipino culture, values and ideals that are pro God, pro people, pro country and pro nature; making MRP as official government policy and enjoining the active participation of all sectors in Filipino Society.

Noong 1998, si Joseph Estrada ay nahalal na president ngunit hindi niya natapos ang kanyang termino dahil sa siya ay inalis sa kanyang puwesto ng People Power movement. Di nagtagal, siya ay nahatulan ng plunder. He was later pardoned by Gloria Macapagal-Arroyo, na kanyang successor.

Noong April 30, 2004, si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nag-issue ng Executive Order No. 314 creating the Presidential Commission on Values Formation (PCVF) which will serve as the lead agency by which government may work hand-in-hand with civil society and the private sector in the establishment of a strong foundation for moral values formation in the government bureaucracy.

Sa ngayon, si Estrada ay ang mayor ng Manila. Si Arroyo naman ay under house arrest for plunder habang nagsisilbing congressional representative ng kanyang distrito. At si Jejomar Binay, na nakaupong Bise-presidente na well positioned to be the next president is under investigaton by a Senate blue-ribbon for massive corruption while serving as mayor of Makati City (the Philippine business capital) just before becoming vice-president. Another big blow to our international reputation if he is proven guilty.

Today, more than ever, the Philippine society is in dire need of values formation. The Filipino people cry out for it. Lahat may gusto nito. Tama! Subalit ang tanong ay ito: Kapag values formation ang pinag-uusapan, ano ba talaga ang ibig sabihin ng values? At kaninong Set of Values ang ituturo sa bayan? Mga values ba ni Socrates, Plato o Aristotle? Mga values ba ng iba’t ibang mga western o eastern philosophers, tulad nila Immanuel Kant, Rousseau, Voltaire, Confucious o ni Pilosopo Tasio?

Dahil sa at least 90% ng mga Pilipino ay naniniwala na si Cristo ay anak ng Diyos, 5% ay naniniwala na Siya ay propeta ng Diyos, at ang nalalabi ay naniniwala na Siya ay mabuting tao at marunong na guro, ang values ni Cristo ang walang dudang katanggap-tanggap sa ating bansa.

Ipinaliliwanag ng araling ito ang mga sumusunod: 1) Ang ibig sabihin ng Values, 2) Bakit ang ating bansa ay corrupt, 3) Ang downward spiral, 4) Ang road to recovery, 5) Ang pagiging makadiyos, 6) Ang pagiging makatao, 7) Ang pagiging makabayan, 8) Ang pagiging makakalikasan, at 9) Maintaining Values.

Tama si Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo na kailangan ang values formation ng ating bansa at tama rin sila na kailangan ang pagtutulungan ng mamamayang Pilipino at ang kanilang participation. Ngunit hanggang ngayon tila baga lip service lang ang responde ng mga Pinoy. Gusto ng lahat, subalit walang gustong mag-aral upang masimulan ang pagbabagong-buhay. Katulad nga ng aking paniniwala – – ang gusto ng Pilipino ay ilagay na lamang sa kanyang kandungan ang lahat ng kanyang pangangailangan. Hanggang maaari, ayaw niyang kumilos. Kinakailangan pa niyang mangibang bayan to prove that he has what it takes upang magtagumpay sa buhay.

Ang suporta ng gobyerno at ng iglesya ay critical sa ikatatagumpay ng isang makabuluhang transpormasyon – para sa isang matagumpay na pagsusulong ng isang pambansang values formation movement tungo sa pagiging makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasang lipunan.

Panahon na upang tanggapin ng bawat Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Ang pagbabago ay dapat ngayon na, bago pa maging huli na ang lahat.

 

Part 1.  Values

Ang ibig sabihin ng Values ay pamantayan (standard) o mga katangian (qualities) na tinatanggap ng lipunan na tamang kaparaanan (means) tungo sa mabuting resulta (end). Samakatuwid, kapag Values ang pinag-usapan, ang sanga ng kaalamanan na sumasakop dito ay Ethics.

Ang salitang Ethics ay galing sa Grekong ethika, na galing sa ethos, ibig sabihin ay character. Ang Ethics ay mga prinsipyo o pamantayan ng pamumuhay (principles of human conduct) na itinuturing na moralidad. Nakatutok ito sa kung ano ang mabuti o masama at kung ano ang tama o mali patungkol:

1) sa mga pamamaraan na ginagamit ng tao upang makamtan ang kanyang naisin,

2) sa layunin ng kanyang pagkilos, at

3) sa motibo sa likuran ng layuning ito.

Through the centuries, marami nang mga philosophers ang nag-wrestling sa pag-define kung ano ang mabuti at ano ang tama. Sa kanilang pagbubuno, may mga karagdagang tanong ang mga sumulpot pa, tulad ng:

1) Likas ba sa tao na gumawa ng mabuti o kailangan siyang turuan? Eto yung never ending debate kung Nature o Nurture? Ang tao ba ay nagiging criminal dahil sa kanyang environment o likas sa kanya ang gumawa ng masama. Deep down inside ba ay there is good in man o mayroon siyang sinful tendencies?

2) Ang isang gawa ba ay mabuti sapagkat ito ay katanggap-tanggap sa karamihan? Normal ba? Ibig sabihin, karamihan ay gumagawa ng bagay na ito kaya okay lang? Kung ano ang normal ay iyon ba ang mabuti at tama?

3) Ang isang gawa ba ay mabuti dahil sa mabuting layunin nito? Do ends justify means? Si Robin Hood ba ay bida o bandido?

Pagdating naman sa motibo, ano ba ang mabuti at tamang motibo sa pagkilos o paggalaw natin? Sa paksang ito, mayroon ding tatlong bagay na katanggap-tanggap na tamang motibo sa mga philosophers:

1) Ito ang ating kaligayahan o kasiyahan (happiness or pleasure).

2) Ito ay ating katungkulan, obligasyon o responsibilidad (duty, obligation or responsibility).

3) Ito ang magbibigay kabuluhan o saysay sa ating buhay (meaning or fulfillment).

So, kapag dumapo sa isa sa mga posibleng motibong ito – – okay na, sige na. Maski pa may maargabyado o maperwisyong ibang tao.

Kaya ang tanong ay ito: Sino ba ang paniniwalaan ko tungkol sa mabuti at tamang layunin sa buhay, sa mabuti at tamang kaparaanan at mabuti at tamang motibo?

 

Tulad din ng ibang mga lahi, may tatlong awtoridad ang nag-aagawan sa isip ng mga Pilipino patungkol sa values:

1) Mga pahayag ng Diyos (God’s revelation).

2) Dikta ng kalikasan ng tao (human nature or instincts).

3) Dikta ng katuwiran ng tao (human reason).

It gets complicated, di ba? Kaya ang dapat nating gawin to be sure is to adopt the values system of Christ. Bakit?

Una, sapagkat sakop ng Kanyang values system ang lahat ng aspeto sa buhay. Sakop ng mga turo ni Cristo ang patungkol sa a) ang origin at structure ng universe, at anong mga beings ba ang nag-e-exist sa universe (metaphysics), b) ang origin, limitation at validity ng knowledge (epistemology), c) values o moralidad (ethics), d) ang tamang pangangatuwiran (logic), at e) ang kagandahan taglay ng ating paligid (aesthetics).

Ikalawa, recorded ang kabuuan ng teaching ni Cristo. Taglay ang lahat ng ito sa Bibliya. Lantad para sa ating pagsusuri. Maaaring batikusin. Kaya hindi mawawalan ng objectivity ang pag-aaral. Ibig sabihin, hindi mauuwi ang ating paniniwala sa kuro-kuro o haka-haka ng tao. O kaya naman ay mauuwi sa superstition, alamat, kasabihan o kuwentong-kuchero.

Ikatlo, tulad ng nasabi na, si Cristo ay tanggap ng lahat ng Pilipino. Sa 90% ng Pilipino, si Cristo ay Anak ng Diyos. Sa 5% naman, Siya ay propeta ng Diyos. At sa remaining 5%, si Cristo ay good moral teacher. Walang Pilipino na hindi tatanggap kay Cristo bilang mabuting values teacher.

Sa pag-aaral ng values system ni Cristo ang unang dapat malaman ay ang definition Niya ng tatlong bagay:

1) Ano ang totoo? Hindi ibig sabihin dito yung tinatawag nating facts, tulad ng sino ba talaga ang nagpapatay kay Ninoy Aquino. Ang ibig sabihin ng totoo patungkol sa ethics ay mga katotohanan na bumabalot sa buhay at mundo. Ang definition ng totoo ay yaong sang-ayon sa salita ng Diyos – – ang salita ng Diyos ang may final answer.

2) Ano ang mabuti? Ang mabuti ay yaong nagbibigay kasiyahan sa Diyos at hindi sa ating sarili o sa sino mang tao.

3) Ano ang tama? Ang tama ay yaong sang-ayon sa kalooban ng Diyos at hindi ayon sa pangangatuwiran ng tao.

Part 2.  Bakit Ang Ating Bansa Ay Corrupt

Tinuturo ni Cristo na layunin ng pagkalikha sa tao ay upang siya ay sumamba at maglingkod sa Diyos na sa kanya ay nagbigay-buhay. Alam nila Adan at Eba na ang pagsamba ay ang pagbibigay puri sa mga kamangha-manghang katangian ng Diyos at sa Kanyang mga kamangha-manghang gawa. Kalakip ng pagsamba ay ang pakikipag-ugnay o fellowship with God. Ang paglilingkod naman sa Diyos ay binubuo ng tatlong gawain: ang magbunga’t magparami upang punuin ang mundo, lupigin ang lupa at pamahalaan ang mga isda, ibon at mga hayop (Genesis 1:28). Nakapailalim sa paglulupig ng lupa ang expansion ng Garden of Eden – ang modelo na maaari nilang tularaan – na puno ng lahat ng uri ng punong-kahoy at halaman. Malinaw ito sa kanilang isipan at ang pagsasakatuparan ng mga gawaing ito ang magdudulot sa kanila ng kaligayahan at fulfillment.

At siyempre naman, sila ay pinagkalooban ng kakayahang matupad ang mga layuning ito. Sa uulitin, sa simula ay likas sa tao ang mga sumusunod:

1) to worship God and to have fellowship with Him, and

2) to serve God by

  1. a) being fruitful and filling the earth,
  2. b) subduing the earth which includes expanding the garden of God, and
  3. c) governing the fish, birds and other living creatures.

Kaya naman, in the beginning likas o part ng nature ng tao ang

  1. a) to praise God,
  2. b) to seek intimacy,
  3. c) to seek productivity and
  4. d) to provide leadership.

Kung baga, ang mga kagustuhan o desires na ito ay nakatanim na sa kanyang puso at maliwanag na nauunawaan ng kanyang isipan, feel na feel ng kanyang damdamin at ready, willing and able naman ang kanyang loobin na isagawa ang mga kagustuhan ng kanyang pusong busilak.

2.1)  Ang Mga Epekto Ng Kasalanan Sa Kalikasan Ng Tao

Nang mahulog sina Adan at Eba sa kasalanan – sa salitang kalye – nababoy ang busilak nilang puso at siyempre damay dito ang kanilang mga desires, intellect, emotion at will. Sa sandaling ito nagsimulang mabalot sa hiwaga ang puso ng tao.

Ang tibok ng puso ay tinatawag ng mga psychologists na drives, ito ang tumutulak sa kanyang pagkilos o behavior. Bago nahulog sa kasalanan sina Adan at Eba, madali ipaliwanag ang kanilang behavior dahil maliwanag ang driving forces ng kanilang buhay. Alam natin kung bakit nagbibigay handog ang tao sa Diyos, kung bakit siya naghahanap ng intimate relationship, kung bakit gusto niyang laging maging productive at kung bakit nag-e-exercise siya ng authority over God’s creation.

Ang pinakamarangal na mararating ng tao o ang tinatawag na kanyang summum bonum (highest good) ay ang sumamba at maglingkod sa Diyos. Subalit dahil sa kasalanan napa-isang tabi ito at napalitan ng pagsamba at paglilingkod sa sarili. Imbes na ang tao ay God-centered, siya ay naging self-centered – – ako, ako naman, at ako pa rin ang kanyang naging orientation.

Ang hangarin ng tao na maghangad ng intimate relationship dahil sa utos ng Diyos na magparami o maging mabunga upang punuin ang mundo ay natabunan ng paghahangad ng sex. Ang hangarin ng tao na gawing productive ang lupa para sa sustenance ng mga taong mamumuhay sa mundo dahil sa utos ng Diyos na lupigin ang lupa ay natabunan ng pagpapayaman para sa sariling pangangailangan at kasiyahan lamang. Ang hangarin ng tao na mag-exercise ng authority para makapag-provide ng leadership dahil sa original mandate ng Diyos na pamahalaan ang sangnilikha ay natabunan ng pagnanasa na makapagtatag ng dominion o control sa lahat-lahat.

Ang resulta ng kasalanan sa layunin sa buhay ng tao ay ang pag-ibabaw ng pagsamba at paglilingkod sa sarili, at hindi sa Diyos. Kaya ang naging driving forces sa kanyang buhay ay sex, wealth at power. Hindi naman ibig sabihin nito na nabura na nang husto ang original godly drives na taglay ng kanyang kalikasan. Nasapawan lamang ang mga ito. Kung baga nabakuran o na-quarantine sila ng mga selfish o sinful drives. Samakatuwid, ang original programming ng Lord na likas sa ating pagkatao ay na-virus kaya na-corrupt ang mga data.

Pagdating naman sa attributes, ang pagkakaroon ng tunay na kaalaman ng totoo, mabuti at tama originally ay nahaluan ng kasinungalingan, masama at mali.

Kaya pala ang sabi sa isang awit ay mahiwaga ang buhay ng tao. Ibig sabihin, hindi madali unawain.

Dahil sa pagkahulog sa kasalanan,

  1. a) ang puso (heart) ng tao ay naging higit na mandaraya kaysa alin mang bagay at walang kagamutan. Kaya ang rhetorical question aySino ang makauunawa nito(Jeremiah 17:9),
  2. b) ang tao ay nawalan ng kakayahang mag-isip ng purong tama lalo na pagdating sa mga bagay ukol sa Diyos; dumilim ang dating malinaw niyang pag-iisip (intellect),
  3. c) ang kanyang pakiramdam (emotion) naman ay nakaranas ng pag-uusig ng budhi (guilt), pagkahiya (shame) at pagkawalay sa Diyos at kapwa tao (alienation) ayon sa Genesis 3,
  4. d) bagamat hindi inalis ng Diyos ang kanyang kakayahan at kalayaan sa pagpili (freedom of choice) – kaya nananatili siyang may pananagutan sa kanyang mga desisyon sa buhay.

Masasabi natin na hulog din ang loobin ng tao (human will) sapagkat hulog ang kanyang puso na nagdedetermina ng kanyang mga kagustuhan. Ang loobin ng tao upang manatiling malaya ay may kakayahang subukang isakatuparan ang lahat ng kagustuhan ng kanyang puso. The will freely carries out the desires of the heart. Hindi na niya kailangan pang kumbinsihin o pilitin. Masaya niyang tinutupad ang gusto ng puso.

Dahil sa kasalanan, nawala ang pagmamahal ng tao sa Diyos bilang motivation sa paggawa ng mabuti at tama. Napalitan ang godly motivation na ito ng pag-iwas sa parusa. Kaya mapapansin natin na ang lubhang nakararami sa ating mga kababayan ay gumagawa ng mabuti at tama at sumusunod sa batas upang 1) hindi  mapunta sa bilibid, o 2) hindi mapunta ultimately sa impiyerno; at hindi dahil sa mahal nila ang Diyos (at dahil sa we love God, we obey His will).

Samakatuwid, kung aalisin ang banta na mabibilanggo o mapupunta sa impiyerno, hindi gagawa ng mabuti o tama para sa iba ang ating mga kababayan. And for that matter, lahat ng tao sa mundo.

Ngayon, atin nang maipaliliwanag kung bakit ang ating bansa ay napaka-corrupt:

Una, wala na ang banta na mabibilanggo sapagkat hindi naman ini-enforce ang batas. Ang perception ng karamihan ay marami sa ating mga lawmakers at supposedly law enforcers ang nangunguna sa pangungurakot, sa lagayan, sa pangongotong at sa ibang mapanlokong paraan ng pagpapayaman. Isa pa, ang mga may power ay above the law na; hindi na sila napo-prosecute maski pa sampahan ng caso. Aabutin ng siyam-siyam bago magkaroon maski preliminary hearing.

Ikalawa, wala na ang banta na mapapa-impiyerno dahil sa iba’t ibang pangangatuwiran. Halimbawa, malaki naman silang magbigay sa simbahan, tumutulong naman sila sa mahihirap, lagi naman silang nagdarasal o nagnunubena at nagpipinitensya pa nga, kaya absuelto na sila, lusot pa ang consiensia. At mas grabe – para lusot na ng buong-buo – huwag na lamang maniwala na may impiyerno. Ang resulta ng mga maling paniniwalang ito? Okay nang mangurakot, magpa-jueteng, magmanufacture ng shabu, mag-highway robbery, o tumanggap ng lagay.

Okay nandon na tayo,  pero bakit nga ba na ang mayayaman na ay walang kasawa-sawang magpayaman pa? To the point na pati ang pondong naka-designate para sa mga typhoon victims ay ninanakaw pa?

Kasi nga, ang kanilang paniniwala ay money is power. Wealth can make them attractive or at least buy them unlimited sex. Money can satisfy all their wants. Money can satisfy their ego. O, wala na talaga silang consiensia. That is why the filthy rich needs more money. But, of course, this is the devil’s big lie. Because the fact of the matter is that the lust of the flesh, the lust of the eyes and the pride of life know no limits. At kaya naman ang sabi ni Cristo ay You cannot serve both God and Money. You will love one and hate the other.

Alam ng buong bansa na ang tanging pag-asa ng Pilipinas ay ang ating mga kabataan subalit mangyayari lamang ito kung sila ay magiging makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasan.

Part 3.  Ang Downward Spiral

Although lagot kapag inabot ng malakas na hangin at malalaking alon sa kalagitnaan ng dagat, hindi pa rin iyon ang higit na kinatatakutan ng mga mangingisda. Bagkos ang kanilang kinikilalang lubhang mapanganib ay ang ipo-ipo. Alam nila na kapag nahigop ka ng ipo-ipo wala kang patutunguhan kundi sa kailaliman hanggang tuluyan kang malunok ng dagat. Ang corruption ay ganyan din. Walang patutunguhan kundi sa kailaliman ng kabulukan. Para sa mga taong sukdulan ang pagiging buwaya, wala pa sa impiyerno sinusunog na ang kanilang kaluluwa.

Let us consider kung ano ang nangyari between Genesis 3 at Genesis 6: Dahil sa katitingin ni Eba sa pinagbabawal na bunga, halos malasahan na niya ang kasarapan nito. Tuluyan siyang naakit. Pumitas siya ng forbidden fruit. Naunang ma-corrupt ang puso ni Eba. Dinamay niya ang kanyang asawa. Dahil sa minana niya ang pusong corrupt ng kanyang ama, nakuhang planuhin at patayin ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, na kanyang pinagselosan. Recorded sa Bibliya ang patuloy na pag-spread ng corruption sa puso ng tao hanggang sa sinabi sa Genesis 6:5 na wala ng iba pang iniisip ang mga tao noon kundi puro kasamaan lamang. Ito ang naging dahilan kung bakit humantong sa paggunaw ang sinapit ng buong mundo. Maliban sa pamilya ni Noah ang lahat ay namatay. Ganito ang malungkot na pangyayari sa primeval history of man.

Ang simula ng corruption ay personal. Sapagkat lahat tayo ay ipinanganak na may sinful nature, mayroon na tayong taglay na tendency to be corrupt; to do evil. Kaya madali mag-spread ang corruption dahil sa tendency na natin ito. Kaya nga napakahalaga ng batas – – ang mga mabubuti at tamang batas. Ang takot sa Diyos at ang batas ng bayan lamang ang makapipigil sa downward spiral to extreme corruption of an entire society.

3.1)  Corruption sa Tahanan

Ama. Ina. Anak. Lahat ay may makasalanang kalikasan. Kung walang pagmamahalan, hindi maglalaon, sila ay magkakanya-kanya ng buhay. Si Tatay ay hahanap ng iba. Gayon din si Nanay. At ang mga anak ay maghahanap ng kaligayahan sa pakikipagkasintahan, sa barkada, sa droga. Like father, like son. Like mother, like daughter. Kung naglalasing si Tatay, si anak ay matututo ring uminom. Kung nagju-jueteng o tong-its si Nanay, si anak matututo ring magsugal. Ang hirap dito, mas grabe lumalabas ang mga anak. Mas lalo silang nagiging mapusok.

May kasabihang Misery loves company. Totoo yun. Walang taong gugustuhing uminom na mag-isa. Kaya pilit niyang yayayain si Kumpare sa kabilang bahay. Before you know it, lahat na ng magkakapitbahay pagdating ng Biyernes – – inuman na. Ang mga nanay, sugal na o tsismisan na. Ang mga anak, nasa barkadahan na rin. At siyempre hindi mawawala na mayroong malalasing at maya-maya pa  . . . away na! Kampihan. Gantihan. Hindi maglalaon, ang away na nagsimula sa magkapit-bahay lamang ay laganap na sa buong barangay. Ang inuman kapag Biyernes, pati Sabado’t Linggo na. Na-corrupt na ang buong grupo. Ang dating Barangay Matahimik, ngayon ay Barangay Magulo na. At kapag tinanong mo kung ano ba ang nangyari. Ang sagot ay, Ewan ko nga ba.

Personal corruption. Group corruption. System corruption. Culture corruption. Ito ang downward spiral – ang ipo-ipo na nagpabagsak ng ating cultura.

3.2)   Corruption Sa National Government at Local Government Units

Ang pangungurakot ay hindi nagsisimula sa milyon-milyong pagnanakaw sa kaban ng bayan. Balikan natin ang nakaraan. Nang bata pa ang mga big-time thieves ng gobyerno, ang ginagawa lamang nila ay mangungupit sa bulsa ni Tatay o sa handbag ni Nanay. Ang pangungupit ay nauuwi sa pandurukot, ang pandurukot sa pagnanakaw at ang pagnanakaw sa pangungurakot. Ang panggagahasa ay nagsimula lamang sa pamboboso. Ang pagpatay ng tao ay nasimula lamang sa pambabatok ng ulo.

Masdan natin ang isang government agency na nagpa-process ng clearance o permit na kailangan ng isang mamamayan upang magawa niya ang isang bagay na sinasakop ng gobyerno. Halimbawa, kailangan niya ng business license o building permit. Dahil sa maraming naka-pending sa mesa ng mga opisyales na kailangan ang pirma, tumatagal ang pagsasaayos ng documento. Ano ang solusyon ng mainiping Pinoy? Maglagay! At ano ang gagawin ng opisyal na pipirma dahil kailangan ang pera? Kapag may lagay, pirma na! Dahil marami ang kailangang pumipirma sa isang documento, kasama na ang paglalagay sa proseso. Understood na yon. Hati-hati na lang ang lahat mula taas hanggang baba at the end of the day. Dito nagsimula ang trabaho ng tinatawag na fixer. Kapag may fixer, alam mo na na-corrupt na ang buong ahensya at ang buong sistema. Mula sa personal corruption nag-e-evolve sa systemic corruption. At dahil sa naging katanggap-tanggap na ang practice na ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ang lagayan ay naging bahagi na ng culturang Pilipino.

Personal corruption. Group corruption. System corruption. Culture corruption. Ito ang downward spiral – ang ipo-ipo na nagpabagsak ng ating cultura.

Sabi nga ng isang dating Speaker of the House ng Philippine Congress, Everybody in government is for sale. Ibig sabihin, mula sa janitor hanggang presidente – corrupt!

Ang mas malungkot na naging resulta ng cultural corruption sa ating bansa ay hindi lamang okay lang ang maglagay, ito ay expected na. Kung baga, dapat alam mo na yun! Kung gusto mong lumakad ang papeles mo, ang lagay ba, eh, palagayan na lang ng loob? No way! Lagay muna! At kapag hindi ka yumaman kung nasa puwesto ka, eh, gago ka! Ang katuwiran ay, Eh, bakit pa tayo nasa puwesto?

Tanda ko pa nang nagsisimula pa lamang ang lagayan, mga taga-Customs o taga-BIR lang mostly ang pinaghihinalaang nakakapagpabahay o nakakabili ng kotse bunga ng sistemang ito. Subalit, after only one generation,  ang persception ng lipunan ay garapalan na ang corruption hindi lamang sa Customs o BIR, kundi sa lahat na ng ahensya ng gobyerno.

Ang tanong ay ito: Paano na kaya ang susunod na henerasyon? Alam naman natin na ang kahirapan ay nauuwi sa karahasan, ang karahasan ay nauuwi sa kaguluhan, at kaguluhan sa kagubatan. Ito ang dulo ng cultural corruption: Matira ang matibay! Kawawa ang may mababa o mahinang loob. Kawawa ang nahihiyang gumawa ng kasalanan.

3.3)  Corruption Sa Iglesya

Nang pauwi na si Pope Francis mula sa pagbisita sa Pilipinas, inamin niya na may corruption sa Iglesya. At para sa kanya tanggapin natin ang makasalanan, but corrupt? Never.

Subalit, huwag nating kalimutan na ang mga pari ng simbahang Catolico at mga pastor ng mga iglesyang Protestante ay pawang mga tao lamang. Subalit hindi ito excuse at hindi rin ibig sabihin na okay lang na nakikita natin silang nagkakasala. Katotohanan ang kasabihang, Sin has consequences. Pananagutan natin ang ating mga kasalanan, at dapat lang. Kung hindi man tayo mananagot dito sa lupa, tiyak na pagdating ng huling paghuhukom tayo ay mananagot.

Sapagkat ang mga pari at mga pastor ay tao lamang, sila ay tulad din ng lahat na may sinful nature – – makasalanang kalikasan. At dahil dito, mayroon ding tendency na matukso sa sex, fame and fortune. Halimbawa sa America, milyong dolyar na ang nagagastos ng Catholic Church dahil sa out-of-court settlements sa mga casong child molestation ng mga pari doon. Sa mga Evangelical Churches naman, maraming mga bigating pastor ang bumagsak dahil sa mga scandals involving extra-marital affairs at paggamit ng church funds para tustusan ang kanilang luxurious life-style.

May kasabihang, where there is smoke, there is fire. Ang mga usap-usapan ay may pinanggagalingan. Dito sa ating bansa, ibang clase ang corruption among protestant pastors at mga protestant missionaries. Ganito yan:

Ang mga foreign missionaries ay maghahanap ng mga Pilipino na gagawa ng kanilang gawain – – ang pagpaparami ng kanilang iglesya. Kadalasan, ang nangyayari ay ang pagpapastor ng mga hindi naman naihanda ng sapat – maisama lamang sa success stories ng mga Korean o American missions (hindi lahat pero marami). At mas grabe ay ang pagpapastor ng mga wala namang calling mula sa langit, dahil may pera sa pagpapastor. Laganap na sa ating bansa ang mga pastor na hindi man lamang nakapagtapos ng formal education lalo na patungkol sa Theology. Ang alam lamang nila ay kung ano ang tinuro sa kanila ng kanilang pastor o munting church group na kulang din naman sa kaalaman at sa preparasyon. At dahil sa kulang sa katatagang espirituwal, marami sa kanila ang nahuhulog sa tinatawag na pamemera o pangangalaga ng palabigasan o gatasan, dahil sa pressure ng kakulangan sa budget.

Ang downward spiral na from personal to group to system to culture corruption ay totoo rin among church communities. Kung baga, alam na ng both sides – foreign missionaries at local workers – na that’s the way it is. Para sa kanila, itong cultura na ito ay win-win. Lahat naman tayo ay nakikinabang kaya okay lang na tayo ay maggamitan. Kaya aminin man o hindi, ang bottom line ng practice na ito ay pera. Dahil sa success stories, malaki ang pondong nare-raise ng mga misionario at naaambunan naman ang mga national workers. Win-win.

Ang tanong ay ito: Lahat ba ng pari o pastor ay mula sa langit o mayroong mula sa impiyerno? Ang sagot ay simple lamang, tulad ng sinabi na ni Cristo – Malalaman mo ang puno sa kanyang bunga. Kung ang puno ay walang nalalaman sa salita ng Diyos, ganoon din ang bunga; kung tamad ang namumuno, tamad din ang mga miyembro; kung sinungaling ang pinuno, sinungaling din ang mga tagasunod.

Ang babala ay ito: Mag-ingat sa mga pastor na namemera sapagkat sila ay magiging pabigat lamang sa inyo.

 

Part 4.  Ang Daan Tungo sa Recovery

Dahil sa ang corruption ay nagsisimula on a personal basis, ang recovery ay nagsisimula rin sa puso ng bawat Pilipino. Kung baga, we have to put corruption on reverse. Kailangang mapalitan ang cultura. Kaya nga, mayroon tayong isinusulong na values formation campaign. Para mapalitan ang ugali ng mamamayang Pilipino, kailangang mapalitan muna ang kanilang belief and values system o ang kanilang pananaw sa buhay at mundo. Kailangang maibalik ang takot sa Diyos at ang pangil ng batas sa puso ng mga mamamayan.

Sa pagkakataong ito, ating suriin ang pananaw ng mga Pilipino patungkol sa corruption.

Una, sa tahanan, puro pressure dito. Kulang sa pera. Lagi na lamang nag-aaway sina Tatay at Nanay. Kulang sa pang-unawa. Puro utos, puro utos. Ang reklamo ng anak na lalaki. Makaalis na nga sa bahay na ito – ang karaniwang reaksyon niya. Walang nakakaintindi sa pinagdaraanan ko – ang bulong ng dalagitang anak na ngayon ay buntis na. Dagdag pressure ito sa buong pamilya. Subalit ano pa ang kanilang magagawa, nandidyan na yan.

Ikalawa, ang paniniwala na corrupt ang lahat sa gobyerno. Everyone in government is for sale, sabi nga. Walang nakukulong. Mabibilang sa isang kamay ang mga nakasuhan at nakulong dahil sa corruption. Ang may pera, makulong man, buhay mayaman pa rin sa loob ng bilangguan. Ang malaking mag-abuloy sa simbahan o kawanggawa ay makakalusot sa apoy ng impiyerno.

Ikatlo, hindi dapat pagkatiwalaan ang mga pari at mga pastor. Kulang na kulang ang bilang nila at kung meron man sa barangay, wala naman silang panahon para sa tao. At kadalasan, puro gastos din ang simbahan. Abuloy dito, abuloy doon. Mula sa binyag hanggang libing, gastos! May lagay na ang tawag ay service fee. Kaya sa huli, sarili lamang ang dapat pagtiwalaan.

Samakatuwid, ang unang dapat ipaunawa sa ating mga kababayan ay may lunas na nakalaan ang Diyos sa bawat problema. Ang ating Diyos ay Diyos ng kaayusan at kapayapaan at hindi Diyos ng kaguluhan. May mga alituntunin na ipinag-uutos ang Diyos para sa katahimikan ng buhay-pamilya: Lalaki, mahalin mo ang iyong asawa tulad ng pagmamahal ni Cristo na inialay Niya ang Kanyang buhay para sa Iglesya. Babae, igalang mo ang iyong asawa at sundin mo ang kanyang kalooban. Mga anak, igalang ninyo ang inyong mga magulang. Mga magulang, huwag ninyong pahirapan ang inyong mga anak. Sundin ninyo ang pinag-uutos ng Diyos at hindi ang inyo-inyong kagustuhan at ang kapayapaan ay maghahari sa inyong tahanan.

Ikalawa, dapat ipaisip sa mga government officials at employees na ang Diyos ay makatarungan noon, ngayon at magpakailan pa man. At tinuturo ng Bibliya na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at ang singilan ay sa huling araw. Hindi nalalagyan ang Diyos tulad ng tao! Hindi Niya kailangan ang pera. Dapat maunawaan ng lahat na involved sa lagay system na hindi makakaiwas sa impiyerno ang mga nangungurakot hanggang hindi nila pinagsisisihan ang kanilang kasalanan at aminin ang pinsalang ginagawa ng kanilang kasakiman sa kaluluwa ng ating bansa. Dapat din namang maunawaan ng mga mangungurakot na ang Diyos ay mahabagin sa mga humihingi sa Kanya ng kapatawaran and to those who are willing to make restitution. Ang sabi ni Cristo ay ito: Unless you repent, you will likewise perish.

Ikatlo, tandaan natin ang sinabi ni Jesus sa Matthew 23:3: Sundin ninyo ang sinasabi ng mga nagtuturo ng kautusan subalit huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa kung hindi nila ginagawa ang kanilang pinangangaral. Pabibigatan lamang nila kayo. Kinakailangan na alamin din natin sa ating sarili ang kalooban ng Diyos at hindi lamang tayo nakasandal o umaasa sa mga pari at pastor. Ang Banal na Espiritu ang guro ng katotohanan at ang Salita ng Diyos ang nagbibigay liwanag sa ating daraanan.

Mayroon tayong kasabihan na habang may buhay ay may pag-asa. Dapat ipaunawa sa ating mga kababayan ang katotohanan sa likuran ng kasabihang ito. Kaya ang dapat isagot sa tanong na kung May pag-asa pa ba ang Pilipinas? ay Siyempre pa! Ilang makadiyos na servant leaders lang ang ating kailangan – – mga magpapatupad ng batas. Ilang magigiting at matatapang na government officials, lingkod ng Diyos at magulang lamang ang kailangan upang masimulan ang road to recovery, ang upward spiral.

Sa aking palagay, kailangan lamang na ma-inspire ang ating mga kababayan tungo sa pagbabago. Bakit nga ba na kapag nasa ibang bansa na ang Pilipino, natututo siyang sumunod sa batas? Ito ba ay dahil sa alam niya na may maayos na justice system doon? Na mayroong integrity ang karamihan sa mga government officials doon? Na hindi kailangang maglagay para ma-issue ang documentong kailangan niya? Na nakukulong ang mga lawbreakers. Dapat mapaniwala tayo na kung kaya nilang sumunod sa batas doon, kaya din nating sumunod sa batas dito. Kailangan lamang natin dito sa ating bansa ang ilang makadiyos na leaders na willing to give up their lives for others. Pero siyempre, it’s easier said than done. Madali sabihin, mahirap gawin.

Subalit, mahirap kung sa mahirap. The point is, wala tayong choice. Kailangang magbago ang bayan before it is too late. Before mauwi na tayo sa culturang Matira ang matibay! Kawawa naman ang mababa o mahina ang loob at mga nahihiyang gumawa ng kasalanan. In other words, kawawa naman ang hindi kayang pumatay ng tao.

Huwag nating kalimutan na ang isang taong makadiyos automatically ay magiging makatao, ang makatao naman automatically ay magiging makabayan at ang makabayan ay magiging makakalikasan. At ang isang bansa na mayroong mga mamamayan na makakalikasan ay ang bansang masagana at masaya.

Ang daan tungo sa recovery ay pagbabago ng isa. Ang isa ay maaaring makahatak ng isa pa. Maaaring kapamilya. Ang dalawang magkapamilya ay maaaring makahatak ng dalawang kapitbahay. At silang apat ay maaaring makahatak ng apat pa sa kanilang barangay. You get the idea. One plus one is two. Two times two is four. Four times four is sixteen. And before you know it, marami na kayo hanggang kayo na ang magiging new normal. Sa barangay, sa siyudad, sa government agency, sa iglesya.

Paniwalaan natin na ang cultural corruption ay nauuwi sa kasiyahan ng iilan lamang, samantalang ang culturang makadiyos ay nauuwi sa kasaganaan at kasiyahan ng buong bansa. Kung ikaw ay mag-aaral ng araling ito at pagkatapos ay iyong ituturo sa isang cell group, malamang na kayo ang maging kasagutan sa problema ng bayan. Dapat lamang tandaan natin na ang pagbabago takes time. Huwag nating isipin na maa-achieve natin ang transformation overnight. Patience is needed. Otherwise, baka ningas-kugon ang bagsak natin.

Part 5.  Ang Pagiging Makadiyos

5.1) Halos lahat ng mga Pilipino ay naniniwala that God exists at Siya ang creator ng universe.

Bagamat ang ating mga ninuno ay naniwala na ang Diyos ay nasa lahat ng bagay – kaya naman ang anito na matapos hubugin ng kanilang kamay ay kanilang sasambahin – ang paniniwala sa Creator God na ihinayag ng Bibliya ay bunga ng Christian religion na dala ng mga Catolicong Kastila noong 1565 at inayunan ng mga Protestanteng Americano simula 1902. Subalit bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga inhabitants ng mga pulong Pilipinas, tulad ng mga Moro, ay naniwala rin sa isang Creator God. Samakatuwid, ang paniniwala sa isang Creator God ay matagal nang tanggap ng mga Pilipino.

Para sa karamihan ng ating mga kababayan, hindi na kailangang isip-isipin at pag-usapan pa ang mga       bagay-bagay patungkol sa Diyos dahil ang religion is a matter of faith. Ang lahat ng bagay na kanilang pinaniniwalaan tungkol sa Diyos at sa ibang bahagi ng kanilang relihiyon ay tinatanggap nila nang walang tanong-tanong; sapat na para sa kanila na ito ay itinuro ng kanilang religious leader.

Para naman sa mahilig mag-isip, mayroong intellectual arguments ang kaagapay ng pananampalataya. Halimbawa, alam nila ang ontological argument na sumusuporta sa belief in the existence of God ni St. Anselm of Canterbury (1033-1109) – – ang idea na mayroong being na wala nang maisip na mas hihigit o mas perfect pa. Para sa kanya, hindi natin kakayanin na isipin na walang greatest o perfect being. Alam din ng mga mapag-isip na Pilipino ang mga arguments ni St. Thomas Aquinas (1225-1274) to demonstrate God’s existence:

  1. a) mula sa motion pabalik sa Unmoved Mover,
  2. b) mula sa mga effects pabalik sa First Cause,
  3. c) mula sa contingent being pabalik sa Necessary Being,
  4. d) mula sa degrees of perfection papunta sa Most Perfect Being, at
  5. e) mula sa design in nature papunta sa Designer of Nature.

Sa likuran ng mga argumentong ito ay ang premise na lahat ng finite, changing beings ay nangangailangan ng cause outside itself.

At para naman sa nalalabi nating mga relihiyosong kababayan, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay resulta ng kanilang karanasan. Nakasaksi sila, halimbawa, na sa kanilang palagay ay isang himala. O kaya naman ay feel na feel nila ang presensia ng Diyos. O kaya naman ay ito ang kanilang kinagisnan – pinanganak akong ganito, kaya mamamatay akong ganito. Susundin ko na lang ang mga customs and traditions ng aking relihiyon, Tapos ang kuwento! Wala nang dapat pag-isipan pa. Ang ganitong klaseng pananampalataya ay hindi nagbubunga ng mabubuting gawa na nagbibigay kasiyahan sa Diyos.

Ang pangangatuwiran ni James sa kanyang epistle ay ito: Ang faith na hindi nagbubunga ng good works ay patay. Ibig sabihin, ipagdiinan mo na na mayroon kang faith in God subalit kapag ang buhay mo naman ay contra sa mga tinuturong values ni Cristo, bale wala ang faith na sinasabi mong meron ka. Sabi nga ni Cristo, malalaman mo ang puno sa kanyang bunga.

 

5.2) Paano natin malalaman na ang isang Pilipino ay makadiyos?

At sino ang makapagsasabi na ang pang-unawa nga natin sa pagiging makadiyos ay tama? Sa ating pag-aaral ng values formation, in general, at pagiging makadiyos, in particular, nararapat na gamitan natin ito ng reason o pangangatuwiran. Bagamat sa paglubog ng araw, kailangan pa rin natin na paniwalaan, pagtiwalaan at panindigan ang resulta ng ating pangangatuwiran bilang bahagi na ng ating kaisipan, at hindi ito mananatiling kuro-kuro o opinion lamang.

Kung ang nais natin ay maging makadiyos, una sa lahat, kinakailangan nating malaman ang mga katangian ng Diyos na maaaring makita sa ating buhay. Sa paksang ito, isasa-alang-alang natin ang dalawang uri ng katangian ng Diyos – ang hindi kayang unawain at ang kayang unawain ng tao.

5.3)  Ang Diyos ay transcendent

Ang Diyos ay lampas pa sa pinakamataas at pinakamalalim na pang-unawa ng tao. Siya ay lampas pa sa limitasyon ng space, time at human thought. May mga katangian ang Diyos na hindi  natin kayang arukin tulad halimbawa ng Kanyang pagiging eternal (walang simula at walang katapusan), infinite (walang hangganan), omnipotent (walang hanggang kapangyarihan), ominiscient (walang hanggang kaalamanan), omnipresent (walang hanggang presensia), immutable (walang pagbabago), independent o self-sufficient (walang pangangailangan). Ang mga katangiang ito ay lampas pa sa ating imagination.

5.4)  Ang Diyos ay immanent

Bagamat ang Diyos ay transcendent, ang Diyos ay immanent din. Siya ay nananahan sa limitasyon ng space, time and human thought. Ibig sabihin, nakaka-relate tayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangiang taglay niya na mayroon tayong pang-unawa. Dahil dito maaari tayong magkaroon ng meaningful at fulfilling relationaship sa Kanya.

Ang tanong ngayon ay ito: Ang binanggit nga bang dalawang uri ng katangian ng Diyos – ang hindi kayang unawain at ang kayang unawain ng tao – ay totoo?

Patungkol sa bagay na ito, walang hindi pagkakasunduan ang mga Pilipino maging ang kanilang pananampalataya ay base sa awtoridad ng simbahan, sa pangangatuwiran o sa karanasan man sapagkat ang mga makadiyos na katangiang ito ay kapanipaniwala at ayon din naman sa katuwiran o tamang pag-iisip.

5.5)  Ang Diyos ay hands-on sa pamamalakad ng universe

Ang paniniwala ng mga Deists, tulad ni Thomas Jefferson, ay ito: Ang Diyos ay parang watchmaker na matapos niyang mabuo ang relo, ito ay Kanyang sinusian at pagkatapos ay iniwan upang tumakbo nang kanya. Ibig nilang sabihin ay bahala na tayong magbigay ng kahulugan, direksyon at destinasyon sa tao at sa ating planeta. Kung baga, parang yung television series at mga pelikulang Star Trek. We make our own rules. We answer only to our own  selves. We give our own meaning to life. We determine our own destiny. Ibig sabihin, bahala tayo sa buhay at mundo natin.

Subalit ano ang tinuro ni Cristo tungkol sa bagay na ito? Ang Diyos ay actively involved in the affairs of the world at pinamamahalaan Niya ito sa tinatawag na Providence. Kaya kapag may nag-comment na ang isang pangyayari ay providential, ang ibig niyang sabihin ay may kinalalaman ang Diyos doon.

5.6)  Ang Diyos ay knowable

Ang paniniwala ng mga Kantian Philosophers ay ito: Ang Diyos ay unknowable, hindi Siya maaaring makilala o maunawaan. Kahit naniniwala ang mga Kantians na mayroong Diyos,  sa kanila, ang Diyos ay transcendent subalit Siya ay hindi immanent. Kaya para sa kanila ang values na dapat yakapin ng lipunan ay yaong universally accepted o yaong katanggap-tanggap sa sang-katauhan. Kaya naman hindi tayo dapat magtaka kung ang mga katanggap-tanggap ng values noong unang panahon ay hindi na applicable ngayon. Ibig sabihin, nagbabago ang values ng tao depende sa panahon o ihip ng hangin.

Subalit ano ang tinuro ni Cristo tungkol sa bagay na ito? Ang Diyos ay ating makikilala. Actually ang definition ni Cristo sa eternal life ay ang makilala ang Diyos at ang Kanyang sugo. At kung makikilala natin ang Diyos, malalaman natin na tayo ay Kanyang minamahal sapagkat Siya ay pag-ibig. At kung atin Siyang makikilala, walang duda na Siya ay matututuhan nating mahalin. At kung Siya ay ating minamahal, mauunawaan natin na Siya mismo ang ating kaligayahan at ang nagbibigay kahulugan sa ating buhay. At finally, hindi magiging mabigat na ating sundin ang Kanyang mga pinag-uutos.

5.7) Ang sukatan ng pagiging makadiyos

Tanggap ng mga Pilipino ang sukatan sa pagiging makadiyos na ito ay nilatag na Niya noong panahon pa man ni Moses: Ang Sampung Utos. Tanggap din nila na ang bunga ng Banal na Espiritu sa buhay ng mga nagtitiwala kay Cristo ay 1) pag-ibig, 2)  kagalakan, 3) kapayapaan, 4) kapasensiyahan, 5)  kabutihan, 6) kabaitan, 7) katapatan, 8) kahinahunan, at 9) pagpipigil-sa-sarili.

Sinumatotal ni Cristo ang Sampung Utos sa dalawang prinsipyo ng buhay: a) mahalin mo ang Diyos ng buong puso, isip, kaluluwa at lakas, b) mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. At sinabi rin Niya ito: Kung Ako ay mahal mo, sumunod ka sa pinag-uutos Ko.

Sa pagsasalansan ng mga katuruan ni Cristo na dumadapo sa pagiging makadiyos, lumalabas na ang pagiging makadiyos, una sa lahat, ay pagiging masunurin sa Sampung Utos na humahantong sa pagiging maibigin, masayahin, mapayapa, pasensiyoso, mabuti, mabait, matapat, mahinahon at mapagpigil-sa-sarili. At bunga ng mga katangiang ito ay iba pang makadiyos na katangian tulad ng pagiging mapagbigay, mahabagin, at mapagpatawad. Ang kabaliktaran naman ng mga katangiang ito, na masasabi nating mga katangiang anti-Cristo (dahil salungat sa Kanyang katuruan) ay ang mga sumusunod: mapootin, malungkutin, magulo o maligalig, madaling magalit, masama, malupit, mapagtaksil, mabagsik, pabigla-bigla, at mapagtanim o hindi marunong magpatawad.

Sa pagsusuma, makikilala natin ang isang makadiyos na Pilipino sapagkat siya ay:

  1. Nagmamahal sa Diyos at sumasamba sa Kanya at hindi sa mga diyos-diyosan lamang.
  2. Hindi niya binabastos ang pangalan ng Diyos.
  3. Ginagalang niya ang kanyang ama’t ina.
  4. Hindi siya mamamatay-tao.
  5. Tapat siya sa kanyang asawa’t mga anak.
  6. Hindi siya magnanakaw o mangungurakot.
  7. Hindi siya sinungaling.
  8. Hindi siya naiinggit sa pag-aari ng kanyang mga kamag-anak, kaibigan, o kapit-bahay.
  9. Siya ay mapagmahal sa kapwa at hindi mapootin.
  10. Siya ay masayahin at hindi malungkutin.
  11. Siya ay payapa at hindi magulo o maligalig.
  12. Siya ay pasensiyoso at hindi madaling magalit.
  13. Siya ay mabuti at hindi masamang tao.
  14. Siya ay mabait at hindi suplado o malupit.
  15. Siya ay matapat at hindi traydor.
  16. Siya ay mahinahon at hindi pabigla-bigla.
  17. Siya ay mapagpigil-sa-sarili at hindi kung ano na lamang ang maisipan o maramdaman.

 

Part 6.  Ang Pagiging Makatao

Ayon sa Wikipedia, ang aborigines ng Pilipinas ay tinataguriang Negritos. Marami ang naniniwala na noong unang panahon may mga Taiwanese aborigines ang nag-migrate sa Pilipinas, dala nila ang kanilang karunungan sa agriculture at ocean-sailing. Habang sila ay dumarami, kumokonti naman ang mga Negritos. Pagkatapos ay dumating naman ang mga Indonesians, Malays, Inchik kasunod na ang mga Kastila tapos ay mga Americano. Kaya naman, iba’t iba ang physical features ng mga Pilipino dahil sa dami ng clase ng dugo na dumadaloy sa kanilang mga ugat.

Mahirap magmahal sa kapwa. Wala sa kalikasan ng tao ang magmahal sa kapwa. Ang kalikasan niya ay mahalin ang kanyang sarili. Kaya nga kinakailangan pang ipag-utos ni Cristo na mahalin natin ang ating kapwa tulad nang pagmamahal natin sa ating sarili. Ang pagmamahal sa kapwa ang nagpapatunay na mahal natin ang Diyos at nais natin na bigyan Siya ng kasiyahan sa pamamagitan nang pagsunod sa Kanyang pinag-uutos. Dito natin malalaman ang tunay at dalisay na motibo sa kabila ng pagmamahal sa kapwa, na ito ay ating ginagawa sapagkat mahal natin ang Diyos. Sa paggawa ng mabuti, may makasariling motibo na hindi kaaya-aya sa Diyos, tulad ng 1) may nagawa tayong kasalanan at nais nating mapagtakluban o mabayaran ito, 2) mayroon tayong pinahahangang tao, 3) baka tayo ay suwertehin dahil sa paggawa ng mabuti, 4) para tayo ay hangaan ng tao at nang sa ganoon, tangkilikin nila ang ating produkto. Ito ang tinatawag nating pakitang-tao. Sooner or later, nabibisto ito ng madla.

Natural sa atin ang mahilig tumingin sa panlabas na anyo, kahit sa ating sarili. Pansinin lang natin kung gaano tayo katagal humarap sa salamin, magsuklay ng buhok, eksaminin ang ating suot na damit. At ang mga dalaga, gaano katagal ang pagpipinta ng mukha? Ayaw natin na wala man lang tayong porma. Gusto kasi natin ang dating mayaman, successful o attractive. Kung sa iyo namang akala ay wala kang kadating-dating, dahil wala kang panggastos, malamang na na mababa ang iyong pagtingin sa sarili. Ito ay nauuwi sa pagiging kimi o pagkakaroon ng inferiority complex. Kung ikaw naman ay mayaman, ang pagtingin mo sa iyong sarili ay superior ka sa iba at ang iyong palagay ay dapat kang bigyan ng atensyon kung hindi man paghanga.

Alam natin na ang maganda ang bihis ay agad-agad binibigyang pansin at inaasikaso saan man siya pumasok. Kapag alam ng bank manager na ikaw ay mayaman, binibigyan ka ng special treatment. Sinasabi natin na ang mga taong ganito ay may dignidad. Kaya mas madali natin silang “mahalin” at hindi tulad ng iba diyan na wala man lamang kaporma-porma.

Ang sinabi patungkol sa pagkatao ni Cristo ay ganito: Wala Siyang kagandahan o kamaharlikahan na mag-aakit sa atin. Walang kaanyuan upang Siya ay ating naisin (Isaiah 53:2b). Ang dignidad ni Cristo ay wala sa pisikal o materyal na bagay kundi nasa Kanyang kalooban. Hindi nakabase ang dignidad ng tao sa kung ano ang estado niya sa buhay, kung mayaman man siya o mahirap, maganda man siya o hindi, matalino man siya o mangmang.

Ang tanong ay ito: Ano ang basehan ng pagkakaroon ng dignidad ng tao? Masasabi ba natin na ang isang tao ay may dignidad dahil sa kanyang angking talino? Dahil siya ay mayaman? Dahil siya ay sikat? O dahil sa kanyang kaakit-akit na pisikal na anyo? Paano nga ba nagkaroon ng dignidad ang tao?

6.1)  Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

Kahanga-hanga at buong ingat ang paglikha ng Diyos sa tao. Ang tao ay makapaglalarawan ng karunungan, katuwiran at kabanalan ng Diyos. Kabilang sa mga tinanggap niyang biyaya mula sa kanyang Maylikha ay ang makaranas ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, katapatan, kahinahunan at pagtitimpi sa sarili. Pinagkalooban din siya ng talino, damdamin at kakayahang magpasiya.

Samakatuwid, sapat nang malaman ng tao na siya ay nilikhang kalarawan ng Diyos kaya siya ay may taglay na dignidad sa kanyang sarili. Ang lahat ay pare-parehong may dignidad, walang nakalalamang sa bagay na ito. Ang Pilipino na makatao ay may paggalang sa lahat ng tao, sila man ay mayaman o mahirap, maganda o hindi, sikat man o ordinaryo.

6.2) Ang tao ay nilikhang may pananagutan sa Diyos

Ang lahat ng tao ay hindi lamang nilikhang kalarawan ng Diyos kundi nilikhang malaya ngunit may pananagutan. Ang Pilipino na makatao ay hindi gumagamit ng kalayaan upang abusuhin ang kapwa, bagkos siya ay handang managot sa kanyang mga responsibilidad sa buhay at hindi niya ito ipinapasa sa iba.

 

6.3)  Ang lahat ng tao ay makasalanan

Pare-pareho tayong nagkakasala. Walang nakalalamang pagdating sa bagay na ito. Ang sabi sa Bibliya kapag sinuway mo ang isang utos para mo na ring sinuway ang lahat. Ibig sabihin, wala sa ating perfect at perfect lamang ang nakakalamang. Ang makatao na Pilipino ay hindi mapagmataas na parang hindi nagkakasala.

 

6.4)  Ang lahat ng tao ay tinatawag ng Diyos tungo sa kapatawaran

Hindi kalooban ng Diyos na mayroong mapahamak nang tuluyan. Again, pare-pareho ang tao pagdating sa bagay na ito. Pare-pareho tayong may pagkakataon na magsisi sa ating mga kasalanan at makasumpong ng kaligtasan. Sa bagay na ito walang mayaman, walang mahirap. Walang matalino, walang mangmang. Walang palakasan. Walang cone-coneksyon. Ang makatao na Pilipino ay marunong humingi ng tawad at hindi mapaghusga ng kapwa; alam niya na ang sino mang nagsisisi ay tumatanggap ng kapatawaran sa Diyos.

Hindi sana mahirap magmahal ng kapwa kung nauunawaan lamang natin na sa mata ng Diyos tayo ay pantay-pantay. Subalit tayong mga Pilipino ay walang pananaw na ganito.

Pagmasdan natin ang ating paligid kung anong claseng value system o ugali mayroon ang karamihan sa atin sa kasalukuyan: Crab mentality (mang-aapak at manghihila pababa ng kapwa makarating lamang sa taas). Ako muna. Walang pakialam o makaperhuwisyo man sa iba makamtan lamang ang gusto. Walang pakundangan sa pagsuway sa batas. Kanya-kanya ng langoy. Bahala ka sa buhay mo.

Kaya naman hindi tayo dapat magtaka kung bakit sobra pa sa kalahati ng buong sambayanang Pilipino ay mahirap at ang ilan ay super-yaman.  Ang Pilipino na makatao ay gumagalang sa batas ng Diyos, sa batas ng bayan at sa karapatan ng iba na makapamuhay ng mapayapa.

6.5)  Pilipino identity crisis

Dahil sa iba’t ibang nasyon at lahi ang sumakop sa ating bansa, ang mga Pinoy ay nagkaroon ng identity crisis. Nagkaroon ng iba’t ibang paniniwala dahil sa mga kung ano-anong relihiyon at pilosopiya ang pumasok sa ating bansa na humalo sa mga paniniwala ng ating mga aborigines. Kaya nga may kanya-kanyang haka-haka at kuro-kuro sa maraming bagay ang mga Pilipino na wala namang tamang basehan. At ito ay nauuwi sa sisihan nang sisihan at hindi pag-amin ng kasalanan. Laging iba ang may sala.

Halimbawa, ang ating gobyerno ay laging sinisisi ng mga squatters sa ating bansa sa kanilang abang kalagayan. Hindi naman sinabi ng gobyerno na magsipunta sila sa Maynila at doon sila manirahan. Kapag mayroong nasagasaang bata sa kalye, ang laging sisisihin ay ang driver. Bakit hindi sisihin ang pabayang magulang? Kapag may motoristang  bumangga  sa mga harang sa highway, ang laging sinisisi ay ang MMDA. Mangyayari kaya iyon kung tayo ay nag-iingat sa pagmamaneho? Ganyan tayong mga Pilipino. Hirap na hirap umako ng personal na responsibilidad. Ang lagi na lamang naririnig kapag may pumalpak na gawain ay, Ikaw kasi.

At hindi magiging exciting ang buhay Pinoy kung walang pag-uusapang buhay ng ibang tao. Chika-chika kung tawagin ngunit sa katunayan ito ay tsismis! Siraan nang siraan! Kung may sama ng loob, imbes na sabihin ng derecho sa kinauukulan, ikukuwento muna sa iba hanggang ang problema ay lumala. Ang Pilipino na makatao ay marunong magsalita nang harapan at hindi chikador o naninira ng reputasyon ng ibang tao.

Sa pagsusuma, makikilala natin ang isang makataong Pilipino sapagkat siya ay:

  1. May paggalang sa lahat ng tao, sila man ay mahirap, hindi attractive o hindi sikat.
  2. Hindi gumagamit ng kalayaan upang abusuhin ang kapwa, bagkos siya ay handang managot sa kanyang mga responsibilidad sa buhay at hindi niya ito ipinapasa sa iba.
  3. Hindi mapagmataas na parang walang-sala.
  4. Marunong humingi ng kapatawaran at hindi mapaghusga ng kapwa; alam niya na ang sino mang nagsisisi ay tumatanggap ng kapatawaran sa Diyos.
  5. Gumagalang sa batas ng Diyos, sa batas ng bayan at sa karapatan ng iba na makapamuhay ng mapayapa.
  6. Hindi pinaiiral ang crab mentality.
  7. Hindi naninira ng reputasyon ng iba at hindi pinagmumulan ng tsismis.

Part 7.  Ang Pagiging Makabayan

Ang populasyon ng Pilipinas, end of 2014 ay mga 107 milyon. Tayo ang 12th most populous country sa buong mundo. Kung idagdag pa dito ang 11 milyon na mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa eh, di 118 milyon na tayo. 28.1% sa atin ay Tagalog, 13.1% ay Cebuano, 9% ay Ilocano, 7.6% ay Bisaya, 7.5% ay Hiligaynon Ilonggo, 6% ay Bicol, 3.4% ay Waray, at 25.3% ay mula sa iba’t ibang ethnic groups kasama na dito ang Igorot, Lumad, Mangyan, Badjao, Manobo, Bogobo at Aeta.

Dahil sa pagkakaiba ng ating ethnicity at salita, parang napakahirap maging makabayan. At mayroon pang ibang factors na naghihiwalay sa atin. Tayong mga Pilipino ay naninirahan sa tatlong island groups: Luzon, Visayas at Mindanao na nahahati sa 17 regions, 80 provinces, 138 cities, 1,495 municipalities, at 42,025 barangays.

Ang taong makadiyos ay magmamahal sa kanyang kapwa. Slowly but surely, siya ay magiging makatao at ito ang magtutulak sa kanya upang mahalin niya ang kanyang bayan. Ang Pilipino na makadiyos ay magiging makapilipino. Ang prosesong ito ay natural na mangyayari sa kanya sapagkat ito ay bahagi na ng plano ng Diyos sa kanyang buhay; tulad ni Cristo na nag-alay ng Kanyang sarili alang-alang sa Kanyang bayan, upang sila ay maligtas sa kanilang kasalanan.

7.1)  Ang pagpapasakop sa awtoridad

Ang pagmamahal sa bayan ay may kinalaman sa pagpapasakop natin sa awtoridad kung saan tayo ay nakapailalim. Ang pagiging makadiyos ay pagkilala sa awtoridad at batas ng Diyos. Subalit tandaan natin na mayroong dalawang uri ng awtoridad. Ang una ay yaong ipinagkaloob – katulad nang iginawad ng Diyos Ama kay Cristo Jesus (Matthew 28:18). Ang pangalawa ay yaong inagaw – katulad ng ginawa ni Lucifer nang tangkain niyang sakupin ang pamamahala ng Diyos sa sansinukob at pangunahan ang ibang mga anghel

sa pagrerebelde laban sa Diyos. Hindi natin dapat sundin ang mga may gustong mang-agaw ng awtoridad ng may awtoridad.

Si Jesus na may kapamahalaan sa buong sansinukob ay nag-delegate ng pamamahala at awtoridad sa tatlong institution ng lipunan: ang tahanan, ang simbahan at ang gobyerno. Kaakibat ng awtoridad na ito ay ang malaking responsibilidad. Hindi maaari na ang awtoridad ay walang kalakip na responsibilidad. Ang mga nasa positions of authority na hindi nagsasakatuparan ng kanilang mga responsibilidad para sa ikabubuti ng mga nakapailalim sa kanila ay nag-iimbita ng gulo. Ang makabayang Pilipino ay sumusunod sa batas ng Diyos, sa batas ng bayan at maging sa mga ordinansa ng barangay.

7.2)  Ang mga magulang

Sa tahanan, ang mga magulang ay binigyan ng awtoridad upang pamahalaan nang maayos ang kanilang sambahayan. Ang lalaki ang pangulo ng kanyang asawa gaya ni Cristo na Siyang ulo ng iglesya na Kanyang katawan (Ephesians 5:23). Dahil matriarchal ang culturang Pilipino, kadalasan ay ipinauubaya ng mga kalalakihan ang pagpapatakbo ng tahanan sa mga kababaihan – for whatever reason  – upang maiwasan nila ang responsibilidad ng pagdedesisyon patungkol sa mahihirap na bagay. Nang sa ganoon, hindi sila ang masisisi kung sakaling pumalpak ang naturang desisyon. Tulad ni Adan nang si Eba ang sinisi sa nagawa niyang kasalanan. Ang Pilipino na makabayan ay hindi takot manindigan sa kanyang responsibilidad. Nalalaman niya na ang pagpapalakas ng pamilya ang simula ng pagpapalakas ng bayan. Handa siyang magpagal at magsakripisyo para sa ikatatatag ng kanyang pamilya.

Milyon na sa ating mga kababayan ang namamasukan sa ibang bansa. Libo-libong mga anak ang walang ama o walang ina sa mahabang panahon at walang nagtuturo sa kanila ng values. Ang tanong ay ito: Paano magagampanan ng mga magulang ang utos ng Diyos na turuan nila ang kanilang mga anak kung sila ay nasa malayong lugar? Ano ang naghihintay na kinabukasan para sa mga batang ito? Bagamat totoo na kung hindi dahil sa mga pinapadalang pera ng ating mga OFWs, matagal nang lumubog ang economiya ng bansa. Subalit, dapat din nating alalahanin na matapos nang napakahabang panahon ng panunungkulan sa ibang bansa, pag-uwi ng karamihan sa mga OFWs ay problema pa rin sa pera at pamilya ang kanilang haharapin.

7.3)  Ang mga elders (mga pari at pastor)

Sa institusyon naman ng Simbahan ang mga church elders ang binigyan ng awtoridad na mamahala. Responsibilidad nila ang pagpapakain sa espiritu ng kanilang congregasyon, ang pangangalaga ng kanilang kaluluwa, ang pagbibigay ng direksyon sa iglesya at pagbabantay laban sa ano mang panganib. Subalit, mayroon ding mga abusado at mapagsamantalang mga pari at pastor. Ang nais nila ay sila ang paglingkuran. Ngunit ang sinabi ni Cristo ay ganito: Siya ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang Kanyang buhay  bilang pantubos sa marami.

Ayon sa values ni Cristo, responsibilidad ng iglesya sa lipunan ang pagpapakain sa mga nagugutom, ang pagbibigay ng tubig sa mga nauuhaw, ang paglalaan ng mahihimlayan sa mga walang matirhan, ang pagdadamit sa mga gusgusin, ang pagbibisita sa mga may sakit at nasasa kulungan. Subalit sa ating panahon, ang mga ito ay ginagampanan ng gobyerno at mga NGOs, by default. Ang makabayang Pilipino ay mapagkawang-gawa.

7.4)  Ang Estado

Sa institusyon naman ng sambayanan, ang Estado ang may responsibilidad sa pamamahala ng mga mamamayan. Ang mga tungkulin ng gobyerno ay ang mga sumusunod:

1) Pagtatanggol ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan,

2) Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, at

3) Pagtataguyod ng kasaganaan ng mga mamamayan. Kasama na rito ang pangangalaga ng kalikasan at pagtatanggol ng karapatan ng mga ordinaryong manggagawa laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Tinuturo ng Bibliya na inaarmasan ng Diyos ang mga gobyerno upang maisakatuparan nila ang kanilang mga tungkulin. Kaya nga mayroon tayo dito sa Pilipinas na mga mambabatas (legislative branch), taga-approve ng mga batas na isinasagawa ng congreso at taga-enforce ng mga batas na ito (executive branch), at taga-interpret ng batas kung ito ay sang-ayon sa constitusyon ng bayan (judiciary branch). Mahalaga na pangalagaan ng Estado ang dalawang prinsipyo ng good governance – – separation of powers at checks and balances. Kapag hindi pinangatawanan ng gobyerno ang mga prinsipyong ito tiyak na lalaganap ang corruption hanggang sa kalawangin ang buong sistema ng gobyerno na mauuwi sa dagdag pahirap sa mahihirap at dagdag yaman sa mga magaling mangurakot.

7.5)  Sa larangan ng negosyo

Patunkol sa pagnenegosyo, ang mga relebanteng tanong sa ating panahon ay ito: 1) ang  negosyo ba ay legal? 2) nagbabayad ba ng legal na sahod ang mga negosyante? 3) naglalaan ba sila ng safe environment para sa kanilang mga manggagawa? 4) nagbabayad ba sila ng mga tamang buwis? 5) hindi ba nakagagawa ng panganib ang pagsasagawa nila ng kanilang pangangalakal? 6) ginagawa bang gatasan ng mga negosyante ang ating gobyerno?

Ang isang malungkot na resulta ng over population ay ang over-supply ng labor na nauuwi sa maliit na suwelduhan. Sa kasalukuyan, mga ibang bansa ang nakikinabang sa mahuhusay nating mga professionals at skilled laborers. Nakalulungkot, subalit ito na ang realidad sa ating bansa. Grabe na ang unemployment at under-employment. Kaya nga hindi na dapat pagtakhan ang malaking bahagi ng underground economy (tulad ng jueteng, shabu, prostitution, human organ sale, illegal logging, techno-piracy, smuggling, lagay at kotong, at iba pa) sa pagpapaikot ng economiya ng Pilipinas. Ang makabayan na Pilipino ay nakauunawa ng napakasamang epekto ng masamang business practices at underground economy sa kaunlaran ng sambayanang Pilipino at siya ay hindi nasasangkot dito.

90% sa mga Pilipino ang nagsasabing sila ay Cristiano. Ang Cristianismo ay may taglay na value system. Subalit ang ating mga kababayan ay walang alam patungkol sa pilosopiya ng buhay na ipinangaral ni Cristo na nakapaloob sa Sampung Utos at Sermon on the Mount na taglay ng Old at New Testament. Kung sila man ay may nalalaman, wala silang pagpapahalaga dito. Ang makabayan na Pilipino ay marunong sumunod sa utos ng Diyos.

Tunay nga na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, subalit, kung hindi sila magkakaroon ng tamang pananaw sa buhay at mundo malamang na malulubog din sila sa putik ng corruption. Kailangan nila ang mga magtuturo, magsasanay at magkakasangkapan ng values ni Cristo upang sila ay maging ahente ng pagbabago sa ating bansa. Ang mga teachers, trainors at equippers na ito ang kailangan nilang maging mga role models.

Sa pagsusuma, ang makabayang Pilipino ay makikilala sapagkat siya ay:

  1. Marunong magpasakop sa awtoridad kung saan siya ay nakapailalim.
  2. Marunong sumunod sa batas ng Diyos, sa batas ng bayan at maging sa mga ordinansa ng barangay.
  3. Hindi takot manindigan sa responsibilidad.
  4. Nalalaman niya na ang pagpapalakas ng pamilya ang simula ng pagpapalakas ng bayan. Handa siyang magpagal at magsakripisyo para sa ikatatatag ng kanyang pamilya.
  5. Nakauunawa na ang ama at ina ng tahanan ay ang mga primary values educators ng kanilang mga anak.
  6. Mapagkawang-gawa.
  7. Nakauunawa ng napakasamang epekto ng masamang business practices at underground economy sa kaunlaran ng sambayanang Pilipino at siya ay hindi nasasangkot dito.
  8. Tinitingalang role-model ng kabataang Pilipino.

Part 8.  Ang Pagiging Makakalikasan

Ang Pilipinas, dahil sa ating mga rainforests at mahabang coastlines, ay naging tahanan na ng maraming uri ng ibon, halaman, hayop at isda. Ang ating bansa ay tinagurian nang bio-diversity super star ng mundo. Mga 1,100 land vertebrate species ang nasa ating mga lupain, kasama dito ang 100 mammal species at 194 bird species na hindi matatagpuan sa ibang bansa. Mayroon din tayong mga 13,500 plant species na mga 3,200 ay unique sa ating bayan. Marami rin tayong mga bulaklak kabilang na rito ang mga unique na orchids at rafflesia At marami rin tayong matitigas na kahoy tulad ng narra at molave. Inaalam ng isang makakalikasang Pilipino ang likas-yaman ng bansa sa pamamagitan ng pagre-research sa internet.

Kapag pinag-usapan naman ang lawak ng ating katubigan, ito ay umaabot sa 2.2 million square kilometers o 850,000 square miles na nagproproduce ng mga tangi at iba’t ibang uri ng marine life. Kasama tayo sa tinatawag at pinahahalagahang Coral Triangle. Mayroong 2,400 fish species at over 500 species ng coral. Ang Apo Reef  ay ang ating pinakamalaking contiguous coral reef system at pangalawa sa buong mundo. Nakakapag-sustain din ang ating katubigan ng cultivation ng pearls, crabs, at seaweeds. Marami sa ating mga kababayan ang nabubuhay sa pagtitilapia at pagbabangos.

Mayaman ang ating bansa sa human at natural resources. Napakaganda ng ating mga tanawin. Napakayaman ng ating mga kabukiran, karagatan at kagubatan. Napakalaki ng potential ng ating lahi. Kaya naman napakalaki rin ng responsibilidad ng ating gobyerno na magsaayos ng mga batas para sa preservation, protection at development ng ating yamang-kalikasan.

 

8.1)  Ang mandato ng Diyos

Ang orihinal na mandato ng Diyos sa tao ay ito:  Magpakarami kayo; punuin ninyo ang mundo at lupigin ito; pamahalaan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa karagatan at ang lahat ng mga nabubuhay na creatures sa lupa. Lupigin ang lupa! Samakatuwid, sa simula pa lamang ay itinatag na ng Diyos ang pagtratrabaho. Gumawa ang Diyos ng modelo – ang Hardin ng Eden. Ang kailangan lang gawin ng tao ay tularan ito. Kinakailangang maging isang productibong lupain ang buong mundo.

Sinabi pa ng Diyos, Ang lahat ng seed bearing plants at fruit bearing trees na may buto ay ibinibigay ko sa inyo upang kainin. Maliwanag ang dinisenyo ng Diyos na sa pamamagitan ng pagtatanim siguradong may kakainin ang tao.

8.2)  Ang malungkot na nangyayari sa bansa

Sa ngayon, saan ka man lumingon kapag ikaw ay bumabiyaheng sakay ng jeep, napakaraming kabulukan ang iyong mapagmamasdan. Katunayan na tayong mga Pilipino ay walang sapat na pagpapahalaga sa ating kapaligiran.

Kung kayo ay mahilig mag-road trip, mapapansin ninyo ang mga nag-uusbungang housing projects. May mga developers na tinatapyas pa ang bundok at pinapatag ang lupa upang maiayos ang pagdidibisyon ng mga lote. Ang iba naman ay kinakalbo ang kabundukan para mapatayuan ng kabahayan. O kaya nama’y ginagawang subdivision ang mga lupa na dapat sana ay tinatamnan ng palay.

Nakalulungkot ang ginagawa ng iba nating kababayan. Putol dito at putol doon ang ginagawa sa mga puno sa bundok na nagiging sanhi ng mga flashfloods. Siyempre, ang apektado dito ay ang mga naninirahan sa kapatagan. Ang makakalikasan na Pilipino ay hindi basta-basta nagpuputol ng mga puno at pinababayaang makalbo ang mga kabundukan at hindi nila inilalagay ang buhay ng tao sa peligro.

Ang mga kababayan nating squatter na nakatira sa may ilog ay walang pakundangan kung magtapon ng kanilang mga basura. Kaya naman nagiging marumi at mabaho ang ating mga ilog. At hindi lang iyon! Inilalagay pa nila ang kanilang buhay sa panganib. Oras na bumagyo, siguradong madadala ng malakas na agos ng tubig ang mga tinayo nilang mga barong-barong sa tabing-ilog. Kaya imbes na maging kabalikat ng lipunan, sila ay nagiging pabigat sa lipunan.

Maliliit pa lamang ang ating mga anak, dapat na tinuturuan na sila na magligpit ng kanilang mga kalat. Sinasabi natin kung saan nila dapat itapon ang mga wrappers ng candy o cookies. Ipinakikita natin sa kanila ang kagandahan ng maayos na kapaligiran kaya tayo ay naglilinis ng ating bakuran. Winawalis natin ang loob at labas ng ating bahay upang mapanatili ang kalinisan. Ang mga basura ay hindi natin basta itinatapon kung saan-saan upang hindi ito mapunta sa mga canal na maaaring maging sanhi ng pagbabara ng daluyan ng tubig. Hindi natin pinababayaan ang mga stagnant na tubig upang hindi ito bahayan ng mga lamok na maaaring magdala ng sakit na dengue. Hindi rin tayo nagtatambak ng basura na pagpupugaran ng mga langaw.

Habang dumarami ang mga residente sa mga subdivisions, dumadami rin ang kanilang basura. Nataon pa na kulang na kulang ang mga garbage trucks mula sa mga munisipyo. Dapat na mabahala ang mga homeowners’ association. Dapat na makipag-ugnayan sila sa isang ahensya ng gobyerno at magpa-seminar tungkol sa waste management para sa mga residente. Dapat malaman ng mga homeowners kung ano-anong mga basura ang nabubulok at di-nabubulok at maturuan sila tungkol sa zero waste management – kung paano gawing pataba sa lupa ang mga basurang nabubulok.

 

Ang makakalikasan na Pilipino ay hindi nagtatapon ng basura kung saan-saan. Siya ay hindi nagiging pabigat sa lipunan at nagiging sanhi ng karumihan na maaaring panggalingan ng sakit.

8.3)  Bahagi ng solusyon

Tuwing Sabado, mapagwawari natin na marami sa mga kabataan ang nai-involve sa sports. Subalit karamihan sa kanila ay paista-istambay lamang habang ang iba ay pagala-gala sa kalsada. Ito ang gawaing walang kapakinabangan. Para sa mga ito kailangan ang proyekto tulad ng Operation Linis at Container Gardening tuwing Sabado ng umaga.

May nabalitaan ako na mag-asawa na namamahala ng isang maliit na farm lot. Masipag na nag-bubungkal ng lupa ang lalaki. Nag-eksperimento siya sa pagtatanim ng iba’t-ibang halaman. Nakapagpabunga siya ng upo, pechay at ng iba-iba pang gulay. Ang magandang ehemplo na ito  ay nakatulong upang ang kanilang mga kapitbahay ay magtanim din sa kani-kanilang bakuran. Ngayon, sila ay nagpapalitan na ng bunga ng kanilang mga pananim.

 

Ginagamit ng makakalikasang Pilipino ang kanyang panahon at resources upang maging productibo ang lupa. Siya ay nagpapakita ng mabuting halimbawa sa kanyang mga kapitbahay patungkol sa paglulupig ng lupa – na ito ay nagbubunga nang para sa kapakinabangan ng tao.

Ang palusot ng mga tamad ay wala naman silang lupa na mapagtatamnan. Ang tamad ay maraming dahilan; samantalang ang masipag ay laging nakahahanap ng paraan, at siya ay siguradong may kakainin. Ang masipag ay natututong mag-container gardening gamit ang paso, plastic containers o lata. Hindi man ito lumaki para maging negosyo, ang container gardening ay makababawas sa gastusin. At tulad sa ating kuwento, maaaring sa pagpapalitan ng ani, libre na ang gulay na tunay namang mabuti sa ating katawan.

Panahon na upang ating siyasatin ang ating mga puso at alamin kung ano ba talaga ang magbibigay kaligayahan sa sambayanang Pilipino. Kung tayo ay magiging makadiyos, tayo ay magiging makatao. Kung tayo ay makatao, tayo ay magiging makabayan. At sa oras lamang na tayo ay maging makabayan, kaya naman tayo ay magiging makakalikasan. At kung tayo ay makakalikasan, tayo ay makalalasap ng uri ng kaligayahan na hindi kailanman maipagkakaloob ng mga materyal na bagay.

Sa pagsusuma, makikilala natin ang makakalikasan na Pilipino sapagkat siya ay:

  1. Sumusuporta sa batas patungkol sa preservation, protection at development ng ating mga yamang-kalikasan.
  2. Masipag magbungkal ng lupa at magtanim, kahit sa isang container lamang.
  3. Hindi basta nagpuputol ng mga puno at hinahayaang makalbo ang ating mga kabundukan.
  4. Hindi basta nagtatapon ng basura kung saan-saan at nagiging pabigat sa lipunan.
  5. Hindi nagiging sanhi ng karumihan na maaring panggalingan ng sakit.
  6. Nagsisilbing mabuting halimbawa sa kanyang mga kapitbahay patungkol sa benepisyo ng kalinisan.
  7. Gumagamit ng kinauukulang government agency sa pagtuturo ng waste management sa mga residente ng kanilang subdivision.

 

Part 9.  Maintaining Values

Dito sa ating bansa, maoobserbahan natin ang mabilis na deterioration ng mga bahay, commercial buildings, infrastructure, mga parks, at iba pa. Bakit nga ba? Ang sagot dito ay madalas nating naririnig sa bibig ng mga Pinoy: Wala kasing budget. Walang budget para sa repairs and maintenance. Kaya pagnasira ang isang public toilet, nanlalatiti na hindi pa inaayos. Wala kasing budget!

Kapag senior citizen na, malamang na mayroong mga gamot na dapat inumin araw-araw; para sa high blood, high cholesterol, diabetes, at iba pa. Ang tawag dito ay maintenance medication. Kawawa naman ang mga senior na walang pang-maintenance.

Kailangan din ng isang makadiyos na tao ang maintenance. Simple lang naman ang spiritual maintenance na wala pang bayad. Di na kailangan ang budget. Kailangan lamang na may Bible.

9.1)  Mag-aral Manalangin ng Epectibo

Taglay sa Luke 11:1-13 ang isang tabas ng panalangin na ating masusundan at mapapalago. Sinasabi dito na isang araw habang nananalangin si Cristo, nakita Siya ng kanyang mga alagad. Hiniling sa Kanya ng mga ito na sila ay turuang manalangin. Ang mga sumusunod ang laman ng katuruan ni Cristo tungkol sa bagay na ito:

  1. Ama namin sa langit. Kilalanin natin ang ating pagiging anak ng Diyos. Dahil dito, dapat naman nating alamin kung paano tayo naging mga anak ng Diyos.
  2. Banal ang Iyong Pangalan. Bigkasin natin ang mga katangian ng Diyos gaya ng Kanyang kabanalan. Marami pang mga katangian ang Diyos na dapat nating bigyang puri tulad ng kapangyarihan, karunungan,

kaluwalhatian, at iba pa na maaari nating isama sa bahaging ito ng ating panalangin.

  1. Dumating na po sana ang Iyong Kaharian; Nang sa ganoon ang Iyong Kalooban ang sundin dito sa lupa gaya ng sa langit. Hilingin natin ang katuparan ng kalooban ng Diyos para sa ating buhay at sa mundo. Dahil dito, dapat nating alamin ang Kanyang kalooban para sa atin.
  2. Bigyan Mo po kami ng makakain sa araw-araw. Hilingin natin ang ating mga pangangailangan; pagkain at iba pa.
  3. Patawarin Mo po kami sa aming kasalanan, tulad ng ginagawa naming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. Humingi ng kapatawaran sa bawat kasalanan nating nagawa. Isipin din natin na may kalakip ding responsibilidad ang bahaging ito: Ang magpatawad tayo sa nagkasala sa atin.
  4. At huwag Mo po kaming dalhin sa pagsubok; kundi’y itawid Mo po kami sa kasamaan. Aminin natin ang ating kahinaan. Isipin natin na wala tayong magagawang mabuti liban na tayo ay Kanyang tulungan laban sa hirap ng buhay at sa mga banta ng diablo.

Kasama sa katuruang ito ang pagsamba, paghiling, paghingi ng tawad at pagpapakumbaba. Isama pa natin ang pagpapasalamat sa lahat ng ipinagkakaloob ng Diyos sa atin, sa Kanyang pag-iingat at pagbibigay proteksyon sa atin sa araw-araw. At pagkatapos, sinabihan ni Cristo ang Kanyang mga alagad na maging mapilit at mapusok sa paghingi sapagkat makaaasa sila na hindi ipagkakait ng Diyos maski na ang Kanyang sariling Espiritu para sa pagpapaliwanag ng lesson.

9.2)  Magbasa Ng Salita Ng Diyos

Ang isang kapuna-punang kaibahan ng mga pangkaraniwang Pilipino sa pangkaraniwang Americano ay maoobserbahan sa pagbabasa ng libro. Aking naobserbahan sa pananatili ko sa America na mahilig magbasa ang mga tao doon. Makikita mo na ang mga commuters, halimbawa, ay pawang may binabasa habang nasa sasakyan, ito man ay maging diaryo, libro o pocketbook. Dito naman sa ating bayan, ang mga nakasakay sa jeep, bus o metro rail ay pawang nakatingin lamang sa hangin. Walang hilig ang mga Pilipino sa pagbabasa. Ito ay problema sapagkat kailangan ang pagbabago sa aspeto ng buhay na ito. Ang pagbabago ng ugali ay dapat simulan sa pre-school pa lamang. Mahalaga na maging kaugalian ng ating mga kababayan ang pagbabasa.

Ang sabi ni Cristo sa Matthew 4:4 ay ito:  Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salita na nagmumula sa bibig ng Diyos.

Sa simula ang kailangan lamang ng bagong silang na sanggol ay gatas mula sa kanyang ina upang magpatuloy ang kanyang buhay. Subalit darating din ang sandali na kakailanganin niya ang solid food upang madevelop ang kanyang pisikal na pangangatawan. Subalit ang tao ay hindi lamang buto at laman, siya ay isang buhay na kaluluwa na sa sandaling siya ay ipanganak sa espiritu kakailanganin niya ang salita ng Diyos na makapagbibigay kulay o kahulugan sa kanyang pagkatao.

Kaya nga ang sabi ni Pablo patungkol sa salita ng Diyos sa 2 Timothy 3:16-17 ay ang salita ng Diyos – na Kanyang hininga – ang makapagtuturo sa atin ng totoo, mabuti at tama, at ito rin ang magsasanay sa atin upang tayo ay maging kasangkapan sa paggawa ng mabuting bagay – – tulad ng gawaing pinagkaloob ng Diyos kina Adan at Eba simula sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay pagyamanin.

9.3)  Pagbulay-bulayan Ang Mga Nabasang Scriptura

Tulad din na kailangang nguyaing mabuti ang pagkain bago lunukin para ito ay madaling matunaw sa ating tiyan, kinakailangan na pagbulay-bulayan muna ang nabasang Bible verses bago isang-tabi ang Bibliya upang ma-digest ang nilalaman nito para dumaloy ang sustansya nito sa ating kaluluwa. Kung nais nating matunghayan ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay, sundin natin ang salitang ito ni Cristo – – Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at ang sabi sa Psalm 19:14 – Magkagayon sana na ang mga salita mula sa aking bibig at ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay kasiyasiya sa Iyong paningin, O Panginoon, aking Bato at aking Manunubos.

Sa mga sulat ni Apostol Pablo, lagi niyang binabanggit ang kahalagahan ng pagbubulay-bulay sa salita ng Diyos. Sinabi niya sa Hebrews 4:12 na ang salita ng Diyos ay buhay at actibo. Ito ay matalas pa kaysa tabak na may magkabilang talim na nanunuot sa pagitan ng espiritu at kaluluwa at ng kasu-kasuan ng tao; ito ay naghuhusga ng isipan at hilig ng puso. Alam ni Pablo na maraming bagay ang pumapasok sa isip ng tao kaya tulad ng sinasabi sa Proverbs 4:23 binabalaan niya tayo na bantayan natin kung ano ang pumapasok sa ating puso sapagkat ito ang balon ng ating buhay. Mula sa balon na ito bumubukal ang ating ugali at pamumuhay.

Ang tagubilin naman ni Apostol Pablo sa mga taga Filipos (at samakatuwid sa atin din para sa ating panahon) ay ito: Mga kapatid, kung ano ang totoo, ang may dangal, ang tama, ang dalisay, ang maganda, ang kahanga-hanga — kung ano man ang kapuri-puri – isipin ninyo ang mga bagay na ito. Ang mga ito ang nararapat nating pagbulay-bulayan. At kapag nagkagayon nga, ang mga bagay na ito ang bubukal mula sa ating puso’t isipan at lalabas sa ating mga bibig at buhay.

Makakatulong sa ating pagbubulay-bulay kung itatanong natin sa ating sarili ang mga sumusunod:

  1. Ano ang Katotohanan na binanggit sa Scriptura?
  2. Ano ang Mabuti na magbibigay kasiyahan sa Diyos ayon sa Scriptura?
  3. Ano ang Tama na ating gagawin na ayon sa kalooban ng Diyos?

9.4)  Pag-aralan Ang Nilalaman Ng Pinagbulay-bulayang Mga Scriptura

Ang pag-aaral ng Bibliya ay tulad din ng pag-aaral ng ibang kurso, halimbawa ng Law, Accounting o Computer Programming. Kinakailangan ng dedication at determination. Katulad din ng ano mang kurso, ang pag-aaral ay nagsisimula sa mga basic o introductory lessons tungo sa pataas nang pataas na antas. Kaya nga inilarawan ni Paul ang isang bagong Cristiano sa isang sanggol na sa simula ay binibigyan lamang ng gatas, pagkatapos ang gatas ay hinahaluan ng malambot na pagkain hanggang sa makaya na niyang kumain ng solid food. Ito ang tinatawag nating systematic method ng pag-aaral. Kapag sinabi nating systematic, ito ay may direksyon, malawak, completo at may progression. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang madalas na kinahuhulugan ng marami na paikot-ikot ang pag-aaral na parang nakasakay sa merry-go-round; walang kinahahantungan at nananatili na ang pagkain ay hanggang lugaw na lamang. Ang hangganan ng ganitong clase ng pag-aaral ay ang tinatawag na head-knowledge na nauuwi sa paglaki ng ulo subalit hindi ng puso ng mag-aaral.

Ang pag-aaral ng Bibliya ay nagsisimula sa pagbabasa. Basa. Basa. Basa. Kapag nakahiligan na ang pagbabasa araw-araw, gabi-gabi, araw at gabi, susunod na dito ang pagbubulay-bulay ng nabasang mga talata. Reading tapos meditation. Sa meditation part, inuusisa natin ang ating sarili kung nauunawaan ba natin ang ating nabasa? Kung hindi maliwanag, dapat na pag-isipan. Huwag magmamadali sa pagbabasa. Again, kung hindi maliwanag, pag-isipan. Isip. Isip. Isip. Humingi lagi ng tulong sa Banal na Espiritu na liberal na nagbibigay ng pang-unawa sa matiyagang estudyante.

Matapos ang isang mahabang pangangaral ni Cristo, sinabi Niya ang ganito, “Ang sino mang makarinig ng Aking mga pangaral at magsapamuhay nito ay tulad sa isang marunong na tao. Itinayo niya ang kanyang bahay sa bato.  Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin; subalit hindi ito nagiba sapagkat ang pundasyon nito ay nasa bato. Subalit ang sinomang nakarinig ngunit hindi nagbigay kabuluhan sa Aking mga pangaral ay tulad sa isang hangal na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin, at ito ay nawasak at nagiba (Matthew 7:24-27).”

Si Cristo ay nangaral humigit kumulang sa loob ng tatlong taon. Ang Kanyang katuruan ay bumubuo ng isang pilosopiya ng buhay o pananaw sa buhay at mundo. Siya ang paksa ng buong Old Testament na nagtataglay ng salaysay ng sangnilikha, ng mga nasyon at ng pakikipag-ugnay ng Diyos sa Kanyang bayang Israel, ang nasyon ni Abraham, Isaac at Jacob. Si Cristo ay kinilalang, Propeta, Saserdote at Hari. Maidaragdag natin sa mga titulong ito ang pagiging Philosopher.

Sapagkat inangkin ni Cristo ang pagiging tanging daan, at katotohanan at buhay, masasabi natin na ang lahat nang may katuruan na salungat sa salita Niya ay matatawag na Anti-Cristo. Sinabi Niya sa Matthew 12:30 na kung hindi ka nasa Aking panig, ikaw ay contra sa Akin.

Ang ating pananaw ay binubuo ng mga bagay na ating pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa ating paligid at nagbibigay hugis sa ating pagkilos. Ang ating mga pinaniniwalaan ang siyang maghuhubog ng ating mga pinahahalagahan na siya namang huhubog ng ating asal o ugali na nagdidikta ng ating pagkilos.

Ang pananaw sa buhay at mundo ay may anim na categorya na makatutulong sa ating pag-aaral kung itatanong natin sa ating sarili ang mga sumusunod:

  1. Ang Scriptura bang aking pinag-aaralan ay patungkol sa tamang pananaw sa buhay o sa mundo?
  2. Ito ba ay tungkol sa Diyos?
  3. Ito ba ay tungkol sa tao?
  4. Ito ba ay tungkol sa ating relasyon sa awtoridad?
  5. Ito ba ay tungkol sa ating relasyon sa Diyos at ating kapwa?
  6. Ito ba ay tungkol sa ating pangangasiwa ng ating panahon, abilidad at pananalapi.

Mahalaga na makasiguro tayo na magiging matagumpay ang ating buhay at makararating tayo sa mabuti at tamang destinasyon sa dulo na ating karanasan, kinakailangan na itayo natin ito sa batong sandigan – sa salita ni Cristo. Isalansan ang mga napag-aaralan sa anim na categorya ng pananaw sa buhay at mundo para sa ikalalago ng iyong kaalaman at karunungan.

Conrad Jun Tolosa

Revised March 20, 2015